MANILA, Philippines — Hindi pa tapos ang basketball career ni dating PBA champion Alex Cabagnot dahil muli itong tutuntong sa court suot ang bagong jersey.
Pormal nang inihayag ng South Korean ball club Goyang Sono Skygunners ang pagpasok ng nine-time PBA champion sa kanilang tropa.
Inilabas ito ng Skygunners sa kanilang official social media account kahapon.
Kaya naman marami ang naging excited sa panibagong yugto ng basketball career na tatahakin ng 41-anyos Pinoy cager sa South Korea.
Si Cabagnot ang hahalili sa naiwang puwesto ni dating Blackwater guard Josh Torralba na nagtamo ng thigh injury sa ginaganap na Korean Basketball League season.
Inaasahang magpapasiklab agad si Cabagnot sa oras na sumalang ito kasama ang Goyang.
Maglalaro si Cabagnot sa mga nala-labing laro ng Goyang sa KBL season.
Kasalukuyang nakapuwesto ang Skygunners sa ikawalong puwesto tangan ang 8-12 rekord.
Huling nasilayan sa aksyon si Cabagnot sa nakalipas na season ng PBA kasama ang Terrafirma Dyip.
Sa kanyang huling season sa PBA, nagtala ito ng averages na 8.8 points, 6.4 assists at 4.7 rebounds sa PBA Governors’ Cup.
Hindi kasama si Cabagnot sa lineup ng Dyip sa kasalukuyang season ng liga.
Kaya naman kinagat na agad ni Cabag-not ang pagkakataong maging import sa South Korea.
Isa lamang si Cabagnot sa maraming Pinoy basketball players na naglalaro sa commercial league sa South Korea, Japan at Taiwan.