Dito rin pala sa Tate, makakapanood ka rin ng masamang officiating.
Malalang masamang officiating.
Marami ngayon ang bumabatikos sa NFL referees dahil sa masamang officiating sa laro ng Kansas City Chiefs at Green Bay Packers na siyang nanalo, 27-19.
Malaking issue ang kitang-kitang pass interference na hindi itinawag ng referee na sinasabing nakaapekto sa resulta ng laro dahil naghahabol ang Chief nun.
Naisip ko, hindi rin pala naiiba sa Pinas… May bad officiating din pala dito. Or masyado lang mataas ang expectation ko?
Siyempre, ang buong akala ko, very professional ang lahat dahil ibang level ang NFL, ibang level dito sa States. May non-call man o masamang tawag, hindi siguro malala.
Pero kasi, very obvious ang violation na hindi itinawag. Kahit nga akong hindi naman expert or talagang fan ng rugby football, alam kong may foul.
Ang siste, pinanindigan pa ng referee sa kanyang paliwanag na wala talagang pass interference at ang malala nito, walang aksiyon na ginawa laban sa kanila.
At least sa Pinas, may nangyayaring suspension sa mga nagkakamaling referee.
Pero sigurado, mainit ang mga matang magbabantay sa mga referee sa mga NFL games lalo na sa grupo ng mga nag-officiate ng kontrobersiyal na laro.