MANILA, Philippines — Magsisimula na ang limang araw na arms show na 29th Defense and Sporting Arms Show na inorganisa ng Association of Firearms and Ammunition Dealers, Inc. (AFAD).
Tatakbo ito mula Disyembre 7 hanggang 11 sa SMX Convention Center sa Mall of Asia sa Pasay City.
Sinabi ni AFAD President Aric Topacio na ang event ay naglalayong magbigay kaalaman sa public sa usapin ng mga armas at tamang paggamit nito.
“It is time to make our annual event into something else. Very soon, beginning this year, we shall be known not just as individual gun enthusiasts but a unified industry,” ani Topacio.
Ipapakita sa event ang mga top-of-the-line local at imported firearms, optics, sporting goods at accessories.
Maaaring magtungo ang lahat ng nagnanais masilayan ang iba’t ibang uri ng armas.
Magsisimula ang programa sa alas-10 ng umaga kung saan inaasahang dadaluhan ito ni Sen. Ronald ‘Bato’ Dela Rosa gayundin ng ilang mga opisyales ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP).