Mikee nanguna sa educational workshop ng EAP at Philracom

Mikee

MANILA, Philippines — Nagbigay ng inspirational message si dating Equestrian Association of the Philippines pre­sident Mikee Jaworski-Cojuangco sa naganap na educational workshop tungkol sa kapakanan ng mga pangkarerang kabayo at retired race horses.

Si Xavier Virata nga­yon ang namumuno sa EAP kung saan ay suportado nito ang Philippine Horseracing and Breeding Expo.

Nagsanib puwersa ang EAP at ang Philippine Racing Commission, pareho ang kanilang mga objektibo para sa pagpapaganda at pagpapalakas ng horseracing industry.

Nais ng EAP at ng Philracom na pasiglahin ang sports tourism at magbigay ng oportunidad sa industriya sa labas ng bansa.

Kasalukuyang nagaganap ang Philippine  Horseracing and Bree­ding Expo sa IL Centro sa loob ng Sta. Lucia Mall sa Cainta, Rizal.

Suportado ng Phi­lippine Charity Sweepstakes Office, Games and Amusements Board at Casino Filipino ang three-day event. 

Show comments