Presidential Gold Cup inaabangan

MANILA, Philippines — Atat na ang mga kareristang makita ang lineup ng mga sasabak sa prestihiyosong Presidential Gold Cup.

Bagama’t may isang buwan pa ay nais na ng mga racing aficionados na iposte ang mga pagsali sa event sa Disyembre sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas.

Posibleng sumali ang Big Lagoon, ang defending champion sa nabanggit na stakes race.

Paniguradong sasabak din ang mahigpit na karibal na Big Lagoonng Boss Emong, ang reigning Philippine Sportswriters Association (PSA) Horse of the Year Awardee.

Asahang walang ibang nasa isip ng connections ng Boss Emong kundi ang maka-rebanse sa Big Lagoon.

Inaasahang lalahok din sa stakes race ang two legs Triple Crown winner na Jaguar at Nuclear Bomb.

Ang iba pang puwedeng sumali at may potensyal na manalo ay ang Robin Hood, War Cannon, Don Julio.

Pero dahil malaki ang papremyo ay marami ang may interes sa lumaban kahit may super lakas ang karera.

Bukod sa nabanggit na karera ay may mga stakes races pang ilalarga ang Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) kaya magiging masaya ang pananaya ng mga karerista.

Kaya simula ngayong araw ay nag-aabang na ang mga karerista sa website ng karera ng mga nominadong kabayo para sa PGC race.

Show comments