MANILA, Philippines — Haharapin ni veteran fighter Rene Catalan ang sumisikat na si Eros Ba-luyot sa flyweight division sa main event ng URCC 87: Heroes sa Martes sa Xylo sa BGC sa Taguig City.
Si Catalan ay isang three-time wushu world champion at dating MMA world title contender sa ibang promotions habang si Baluyot ay isang two-time International Bra-zilian Jiu-Jitsu Federation titlist.
“Awesome, awesome card that we’re going to have here, especially our main event. We have two world champions here going up against each other,” sabi ni URCC president Alvin Aguilar sa bakbakan nina Catalan at Baluyot.
Magbabalik ang 44-anyos na si Catalan, may 6-5 record, sa MMA cage matapos mawala ng dalawang taon.
Ito ang unang pagkakataon na lalaban si Catalan sa URCC na dati niyang pinangarap at ngayon ay natupad.
May 2-0 baraha naman ang 30-anyos na si Baluyot sa kanyang MMA career.
Sa co-main event na suportado ng main supporter www.crazywin.ph ay magtutuos sina Godwin Langbayan at Red Samson habang maglalaban naman sina Troy Legaspi at Paige Alitao.
Itatampok din ang isang bare knuckle boxing showdown nina Christian Panliag at Chris Cantos
Sa special slap battle attractions ay haharapin ni Milarde “Pongde” Hugo si Reynaldo Beltrano; lalabanan ni Roldan “Boy Hangin” Licame si Gi-Jay “Boy Kalmado” Velasco; at susukatin ni Gerald “Makahighlord” Gabonada si Michael “Batang CamSur” Azucena.