Pacquiao sasagupa sa Muay Thai fighter sa exhibition bout

Sina Manny Pacquiao at Muay Thai fighter Buakaw Banchamek sa press conference sa Thailand
STAR/ File

MANILA, Philippines — Sasagupain ni dating Pinoy world eight-division champion Manny Pacquiao si Muay Thai legend Buakaw Banchamek sa isang exhibition match sa susunod na taon sa Bangkok, Thailand.

Nagtungo ang 44-an­yos na si Pacquiao sa Thailand para plantsahin ang “Match of Legend” duel nila ng 41-anyos na si Banchamek.

Gagamitin sa nasabing exhibition bout ang bo­xing rules kung saan may anim na three-mi­nute rounds.

Inaasahang magiging pabor ito kay Pacquiao na nagposte ng ring record na 62 wins tampok ang 39 knockouts.

Sa kanyang huling pro­fessional fight noong Agosto ng 2021 ay natalo si Pacquiao kay Cuban Yordenis Ugàs via unanimous decision.

Noong Setyembre 29 ng nasabing taon ay por­mal nang nagretiro si ‘Pacman’ kasunod ang kanyang pagtakbo sa Pre­sidential derby.

Huling umakyat sa bo­xing ring si Paccquiao noong Disyembre kung saan niya binugbog si DK Yoo ng South Korea sa isang exhibition match.

Hindi naman magi­ging madali para sa Pinoy boxing legend na dominahin si Banchamek.

Ang Thai superstar ay may bitbit na 240 wins ka­sama ang 73 knockouts sa kanyang makulay na Muay Thai career.

Show comments