Kai, Kiefer pumirma uli ng kontrata

MANILA, Philippines — Mananatili sa Japan sina Kai Sotto ng Hiroshima Dragonflies at Kiefer Ravena ng Shiga Lakestars matapos pumirma ng contract extension para sa 2023-2024 Season ng B. League.

Sa magkahiwalay na anunsyo ng kanilang mga ball clubs ay ipinangako ng dalawang Filipino imports at Gilas Pilipinas pla­yers ang mas magiting na kampanya sa susunod na season matapos ang exit sa idinaraos pang torneo.

“I am so grateful to the club for giving me this opportunity and I am happy to have the chance to play again in Japan next season,” ani Sotto nag-rehistro ng 9.5 puntos sa 52.3% shooting, 6.4 rebounds, 1.4 assists at 1.4 blocks sa Dragonflies.

Huli na dumating si Sotto mula sa Adelaide 36ers sa Australia National Basketball League subalit nakasalang pa rin sa 21 laro upang madala sa quarterfinals ang Hiroshima hawak ang 41-18 kartada bago matalo sa Chiba Jets sa quarterfinals.

Impresibo rin si Ra­vena sa averages na 10.5 points, 4.0 assists at 2.6 rebounds subalit nagkasya lang ang Shiga sa 14-46 kartada upang mademote mula sa Division I patungo sa Division II.

Subalit bago bumalik sa Japan, susubok uli ang 7-foot-3 tower na si Sotto sa NBA simula sa Summer League sa Hulyo para sa pangarap na maging kauna-unahang Filipino homegrown player doon.

“The NBA is my biggest dream, so I will continue to work hard in the United States this summer,” ani Sotto, na kakadiwang lang ng ika-21 kaarawan nitong Mayo 11.

“To all the Dragonflies fans, there may be some irregularities in the next season, but I will do my best in an environment where I can make good reports. See you soon,” dagdag niya.

Show comments