High Speed Hitters hahanap ng magandang puwesto sa semis

PLDT Home Fibr
PVL

MANILA, Philippines — Sasarguhin ng PLDT Home Fibr ang No. 3 seed sa semis kaya’t ibubuhos nito ang lahat sa pagsagupa nito sa Choco Mucho sa PVL All-Filipino Confe­rence ngayon sa Philsports Arena sa Pasig City.

Magiging eksplosibo ang huling araw ng eli­minasyon sa paghaharap ng High Speed Hitters at F­lying Titans sa alas-4 ng hapon.

Magandang exit naman ang parehong pakay ng Philippine Army at Cignal sa kanilang salpukan sa alas-6:30 ng gabi.

Buo na ang semis cast sa pangunguna ng defen-ding champion Creamline na may 7-1 kartada kasunod ang F2 Logistics (6-2), Petro Gazz (6-2) at PLDT Home Fibr (5-2).

Kung mananaig ang High Speed Hitters sa F­lying Titans, awtomatiko nitong makukuha ang No. 3 spot sa semis kung saan makakasagupa nito ang No. 2 team at maiiwasan ang top seed Creamline.

Kaya naman desidido ang PLDT Home Fibr na gawin ang lahat para makuha ang panalo sa Choco Mucho.

Kakayod ng husto para sa High Speed Hitters sina middle blockers Mika Reyes at Dell Palomata katuwang si opposite hitter Michelle Morente.

Maaasahan din sina Meanne Mendrez at Jovielyn Prado na top scorer ng High Speed Hitters sa 25-23, 25-23, 25-14 panalo nito sa HD Spikers noong Sabado.

Nariyan pa sina Rhea Dimaculangan at libero Kath Arado na magsasa­nib-puwersa para maka­gawa ng solidong plays sa kanilang tropa.

Ngunit daraan sa butas ng karayom ang PLDT dahil hindi naman basta-basta ibibigay ng Choco Mucho ang laro.

Nais ng Flying Titans na maging magarbo ang exit nito para mapaganda ang 2-5 rekord nito.

Show comments