Obiena naka-bronze sa Sweden

MANILA, Philippines — Minalas si Pinoy poler vault star EJ Obiena na makopo ang gold medal ma­tapos pumangatlo sa  2023 Mondo Classic sa Swe­den.

Lumundag si Obie­na ng 5.91 meters para makunteto sa bronze me­dal.

Ngunit naduplika ng World No. 6 ang kanyang best performance indoors pati ang Philippine indoor pole vault record noong 2022 Perche Elite Tour.

Tinangka niyang lun­dagin ang 6.00m at 6.05m, ngunit hindi niya nagawa.

Nanggaling si Obiena sa pagbulsa sa gintong me­dalya sa nakaraang Perche en Or competition sa Roubaix, France kung saan siya nagtala ng 5.82m.

Kumolekta naman si­ya ng silver sa Internatio­nal Jump Meeting sa Cottbus, Germany.

Sa Sweden meet ay mu­­ling nakaharap ni Obie­na ang mga bigating pole vaulters kasama si Swe­dish Olympic champion Armand Duplantis na umangkin sa gold sa kanyang bagong meet re­cord na 6.10.

Sinikwat ni KC Lightfoot ng United States ang silver sa kanyang 5.91m.

Tinalo niya si Obiena via countback.

 

Show comments