SBP nagpasalamat kay Vucinic

MANILA, Philippines — Tinanggap ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ang pagbibitiw ni Serbian-Kiwi mentor Nenad Vucinic bilang bahagi ng coaching staff ng Gilas Pilipinas.

Nagpasalamat ang SBP sa kontribusyon ni Vucinic sa programa ng Gilas Pilipinas partikular na sa paghubog sa mga players sa international play.

“The Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) has accepted the decision of coach Nenad Vucinic not to extend his contract as part of coaching staff of Gilas Pilipinas to pursue other opportunities,” ayon sa statement ng SBP.

Kabilang sa mga naitulong nito ang pagtarak ng disiplina sa isip ng mga pla­yers gayundin ang pagbuo ng magandang samahan na pangunahing kailangan sa isang team sport.

“Coach Nenad has been a highly-valued member of the Gilas Pilipinas coaching team. We are grateful for his contributions to the Gilas program and for helping our players compete at an international level,” ayon pa sa statement.

Nauna nang nagbitiw sa puwesto si dating SBP program director Tab Baldwin.

Show comments