Fernandez, Maxey at Buhain sa TOPS

MANILA, Philippines — Panauhin si Philippine Sports Commis­sioner at Chef De Mission Ramon Fernandez sa pagbabalik ng Tabloids Or­ganization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) ‘Usapang Sports’ ngayong araw via Zoom.

Tatalakayin ni Fernan­dez ang naging kam­pan­ya ng Team Philippines sa katatapos lamang na 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.

Makakasama  ni Fer­nan­dez si PSC Commissio­ner Charles Raymund Ma­xey na ilalahad ang mga pro­grama ng ahensiya bi­lang bahagi ng ‘Sports for Peace’ sa Mindanao sa pang alas-10 ng umagang ses­yon.

Mag­bibigay naman ng kanyang pla­no sa sports sa Batangas ang bagong halal na 1st Distrct Congressman na si swimming icon Eric Buhain.

Iniimbitahan ni TOPS president Maribeth Repizo-Me­raña ng Pilipino Star Nga­yon (PSN) ang mga mi­­­yembro, opisyal at sports fans na makilahok sa ta­­la­kayan na mapapanood sa TOPS Facebook page at YouTube sa pakikipag­tulungan sa PSC, Games and Amusement Board (GAB) at PAGCOR.

Show comments