Open Water Festival idaraos sa Boracay

MANILA, Philippines — Magbabakbakan ang mahuhusay na tankers sa bansa sa Finis Boracay Newcoast Open Water Festival na idaraos sa Mayo 11 hanggang 15 sa Boracay Island, Aklan.

Ayon kay Philippines Managing Director coach Vince Garcia, ilang events ang nakalinya kabilang na ang The Kids of Steel Triathlon - Visayas Leg, ang Green Aquathlon, ang Open Water Swim, at ang Caticlan-Boracay Channel Crossing Fun Swim.

Unang lalarga sa Open Water Festival ang Catic­lan Channel Crossing Fun Swim -- mula sa Tabon Port hanggang sa Manoc-Manoc Beach – sa Mayo 13.

Ang Green Aquathlon naman ay idaraos sa Mayo 14 tampok ang 2.5K run, 800m swim at 2.5K run course para sa adults. Mayroon itong walong age groups (16-19, 20-24, 25-29, 30-34, 35-39, 40-44, 45-49, and 50-Above) para sa male athletes at apat na age groups (16-19, 20-29, 30-39, 40-Above) para sa female athletes.

Sa Mayo 14 din ang Visayas leg ng Kids of Steel (KOS) triathlon na gaganapin naman sa Boracay Newcoast tampok ang limang age ca­tegories — 6-Under (50m swim, 700m bike, at 200m run), 9-10 (200m swim, 2K bike, at 1.5km run, 11-12 (200m swim, 4K bike, at 1.5km run), at 13-15 (300m swim, 8K bike, 2K run).

Show comments