Brickman 19 assists ang ginawa sa panalo ng Aquas

MANILA, Philippines — Nagpakawala ng sea­son-best na 19 assists si Filipino-American ace Jason Brickman sa 103-93 panalo ng league-lea­ding Kaohsiung Aquas kontra sa Tainan sa T1 League ng Taiwan.

Nagdagdag pa ng 16 points at 6 rebounds si Brickman para sa all-around performance at may game-high na 27 markers at 12 rebounds si Mindaugas Kupsas.

Dahil sa panalo ay napatatag ng Kaohsiung ang kapit sa liderato hawak ang 17-6 baraha.

Sumadsad naman sa kulelat na puwesto ang Tainan (4-17) na makakaharap ulit ng Aquas ngayong Linggo.

Samantala, naglista ng 14 points, 6 rebounds, 3 assists at 2 steals si Jordan Heading sa dikit na 98-93 tagumpay ng Taichung Suns sa Taoyuan Leopards.

Nakatulong niya si Anthony Tucker na may 33 markers para sa Suns na napanatili rin ang puwesto sa tersera hawak ang 14-8 kartada.

Nagkasya lang sa dalawang puntos ang isa pang Fil-Am na si Ceelan Tiongson para sa Tao­yuan na nahulog sa 5-15 marka.

Inaabangan sa papa­rating na 2022 PBA Roo­kie Draft sina Brickman at Tiongson. 

 

Show comments