Jeremiah Gray naoperahan na

Jeremiah Gray.

MANILA, Philippines — Tagumpay ang ope-rasyon ni TNT Tropang Giga 3x3 star player Jeremiah Gray sa Amerika matapos madale ng ACL injury sa inaugural conference ng PBA 3x3 noong nakaraang taon. 

“Surgery was successful. Thank you to boss Manny V. Pangi-linan (MVP) and to the other owners and staff of TNT Tropang Giga for bringing me in and trusting me to be a part of the family,” ani Gray na nagbanggit ng Jeremiah 29:11 Bible verse bilang pasasalamat sa ligtas na surgery at paghahanda sa matagalang recovery. “I’ll always be grateful for that. Thank you for all the prayers. Bounce back.”

Magilas ang naging debut ni Gray sa PBA 3x3 nang gabayan sa Leg 1 championship ang TNT subalit hindi inaasahang makalasap ng ACL injury noong Nobyembre 27 sa Leg 3.

Isa ang 6-foot-5 Filipino-American sa inaaba-ngang maging top picks sa 2022 PBA Rookie Draft matapos siyang hindi uma-bot sa deadline noong nakaraang taon dahil sa ilang requirements na niluwagan na ng liga ngayon.

Samantala, si Marvin Hayes ng kampeon na Limitless App Masters ang No. 1 ranked player sa PBA 3x3 matapos ang makasaysayan nitong pagbubukas.

Ayon sa opisyal na listahan ay nakakuha ng 11.244 ranking points si Hayes na nagsilbing lider ng Appmasters sa pambihirang championship run nila matapos ang anim na legs at grand finals.

Pumangalawa si Ryan Monteclaro (10.055) ng Platinum Karaoke habang kinumpleto nina Joseph Eriobu (9.681) ng Purefoods, Almond Vosotros (8.196) ng TNT at Alfred Batino (7.944) ng Meralco ang Top 5, ayon sa pagkakasunod.

Ginabayan ni Hayes, 35-anyos at 21st overall pick noong 2010 PBA Draft, ang Limitless App sa pagkopo ng dalawang leg titles at ng grand championship title.

Show comments