Key adjustment ang ginawa ng Magnolia noong Game 3 na nagbalik sa kanila sa serye.
Nagngingitngit na ang aking kaibigang Magnolia fanatic na si Kagawad Dennis Alemania dahil nagbabanta ang paglubog ng Hotshots sa 0-3 hole.
Pero sa panunumbalik ng kanilang malagkit na depensa, dumikit ang Hotshots sa TNT Tropang Giga, 1-2, pagkatapos ng 106-98 panalo Linggo ng gabi.
May serye. At may kulay pa ang serye ngayon.
Nagpapula sa serye ang bumigat na physicality ng laro noong Game 3 at ang peligrosong bangga ni Jackson Corpuz na naghatid sa masamang bagsak ni Troy Rosario.
Dahil itinukod ang kamay, dislocated ang isang daliri ng TNT forward.
Nagdagdag din ng tension ang mga saad ni Poy Erram at TNT team owner Manny V. Pangilinan sa kanilang social media accounts.
Alegasyon ni Erram ang sadyang pananakit at pangdudura ng kalaban na hindi niya pinangalanan.
Binatikos naman ni Mr. MVP ang tingin niya eh masamang officiating.
Kaya naman haharap sa mas matinding pagsubok ang magkalabang koponan sa Game 4. Masusubok ang kanilang katatagan physically at mentally.