Martinez balik-aksiyon sa skating

MANILA, Philippines — Magbabalik sa ice skating rink si two-time Winter Olympian Michael Martinez matapos ang tatlong taon sa kanyang pagsalang sa Finlandia Trophy sa Espoo, Finland na magsisimula ngayon hanggang Oktubre 10.

Huling sumabak ang 24-anyos na Pinoy figure skater noong 2018 Winter Olympics sa Pyeongchang, Korea kung saan siya tumapos sa pang-28 puwesto.

Lalahok sana si Martinez sa CS Nebelhorn Trophy noong nakaraang buwan kundi lamang siya nagkaroon ng injury.  Sasali rin sa ikaapat na event ng 2021-22 Figure Skating Challenger Series sina Sofia Frank at Fil-American Christopher Caluza.

Sumabak si Frank sa nakaraang Nebelhorn Trophy at pumuwesto sa pang-24 matapos kumuha ng bronze medal sa 2021 Colorado Springs Invitational. Isa namang silver medalist si Caluza, ipinanganak sa Chula Vista, California, noong 2019 Southeast Asian Games na pinamahalaan ng Pilipinas.

Show comments