CHARLOTTE — Pumayag si scoring guard Terry Rozier sa alok na four-year, $97 million contract extension ng Hornets.
Si Rozier ang leading scorer ng Charlotte sa nakaraang season sa kanyang career-best na 20.4 points mula sa 45% fieldgoal shooting at 38.9% clip sa three-point line.
Nagposte rin siya ng mga career bests na 4.2 assists at 1.3 steals at career high na 4.4 rebounds per game para sa Hornets na No. 10 sa nakaraang Eastern Conference playoffs.
Sa New Orleans, pinapirma ng Pelicans si restricted free agent guard Josh Hart sa three-year, $38 million contract extension.
Nahugot ng New Orleans si Hart mula sa Los Angeles Lakers noong 2019 bilang bahagi ng three-team trade na nagdala kay star forward Anthony Davis sa Lakers at sina Brandon Ingram, Lonzo Ball at multiple draft picks sa Pelicans.
Sa Detroit, muling pinalagda ng Piston si guard Hamidou Diallo ng two-year, $10.4 million deal.