Reyes, Slaughter nakasama na sa wakas ang kanilang team

MANILA, Philippines — Nakita na rin sa wakas nina Chot Reyes at Greg Slaughter ang kani-kanilang bagong koponan sa pag-arangkada ng PBA team trainings.

Matapos ang halos dalawang buwang pagkakatengga, nakakapag-ensayo na uli ang mga PBA teams bagama’t sa labas muna ng NCR Plus bunsod ng umiiral na General Community Quarantine (GCQ) with heightened restrictions.

Noong Pebrero pa bumalik si Chot Reyes bilang TNT mentor subalit ito ang kanyang unang full practice sa koponan bunsod ng noon ay limited at kada-batch na training pa lamang sa NCR Plus.

Si Mikey Williams nalang ang hinihintay ng TNT upang maging buo ang puwersa sa Laoag. Hihintay pa ng Fil-Am ace na makuha ang ikalawang dose ng COVID-19 vaccine sa Amerika bago umuwi ng Pinas upang samahan ang Tropang Giga. 

Nasikwat ng TNT bilang No.4 pick si Williams sa bigating 2021 PBA Rookie Draft at pumirma na ng dalawang taong kontrata sa koponan.

Nakita na rin ni Greg Slaughter ang kanyang teammates matapos sumali sa Northport training sa unang pagkakataon simula nang matampok sa blockbuster trade noong Marso. Nagpalitan sina Slaughter at Christian Standhardinger, na nasa Ginebra na, sa marahil ay pinakamalaking offseason move sa PBA bago ang 2021 Season na balak buksan sa susunod na buwan.

Nagpalitan sina Slaughter at Christian Standhardinger, na nasa Ginebra na, sa marahil ay pinakamalaking offseason move sa PBA bago ang 2021 Season na balak buksan sa susunod na buwan.

Balik-aksyon din si Jayson Castro sa una niyang training kasama ang TNT sa Laoag matapos maope-rahan noong Enero upang tanggalin ang bone spurs sa parehong tuhod at magpagaling ng ilang buwan.

Nadale si Castro ng injury noon pang nakaraang taon sa bubble Clark, Pampanga, kung saan pumangalawa ang TNT sa kampeona na Ginebra sa makasaysayang 2020 Philippine Cup.

Sa Batangas nagsasanay ang siyam na koponang Alaska, Phoenix, Rain or Shine, Ginebra, Magnolia, San Miguel, Northport, Terrafirma at Blackwater; sa Clark, Pampanga ang NLEX habang nasa Laoag, Ilocos Norte naman ang Meralco at TNT Tropang Giga.

 

Show comments