Rose balik sa Knicks

NEW YORK — Plantsado na ang paghugot ng Knicks kay veteran guard Derrick Rose mula sa Detroit Pistons na kukumpleto sa kanilang reunion ni coach Tom Thibodeau.

Para makuha si Rose ay ibibigay ng Knicks sa Pistons si guard Dennis Smith Jr. at isang 2021 second-round draft pick via Charlotte Hornets.

Muling isusuot ng 32-anyos na si Rose, nagtala ng mga averages na 14 points at 4.0 assists ngayong season para sa Pistons, ang uniporme ng Knicks matapos maglaro para sa koponan noong 2016-17 season.

Show comments