MANILA, Philippines — Handa ang posibleng No. 1 pick na si Joshua Munzon na makipagsabayan sa mga pinakamagaling na guwardiya sa PBA sa paparating na 46th Season sa Abril.
Napipisil na maging top selection ng Terrafirma sa 2021 PBA Rookie Draft, sabik na ang 6-foot-4 guard na makilatisan kontra kina Stanley Pringle ng Ginebra, Matthew Wright ng Phoenix, Ray Ray Parks Jr. at Roger Pogoy ng TNT Tropang Giga.
“I’m excited to play against the top guards in this league. You will see different types of guards every night and you have to take it as a learning opportunity to try to get better every game,” ani Munzon sa The Chasedown ng Cignal TV.’
At bagama’t bagito pa lamang sa pro-league kung maituturing, hitik sa karanasan ang Filipino-American standout bilang No. 1 3x3 player ng bansa ngayon.
Bukod sa stint sa ASEAN Basketball League at PBA D-League, kung saan din siya naging top overall pick, nagpasiklab din si Munzon sa Chooks-to-Go 3x3 Pilipinas League at ilang FIBA 3x3 World Tours para maging handa sa big league na PBA.
“For me. I’m ready for everybody,” anang 26-anyos na high-flyer.
Kung sakaling siya nga ang piliin ng Dyip na first pick nito sa bigating 97-man draft class sa online draft sa Marso 14, handa siya sa malaking responsibilidad sa kabila ng nadiskaril na tsansang makatambal sina Roosevelt Adams at CJ Perez na nalipat sa San Miguel noong nakaraang linggo.
“I was surprised. Leading up to that, I thought I might get to play with CJ and Roosevelt. I thought that would be a fun line up to see if they pick me,” dagdag niya.
“I’m very excited to walk in there (if they pick me).