Super Suwerte palit sa Union Bell sa Presidential Gold Cup

MANILA, Philippines — Swak na ang Super Suwerte sa Presidential Gold Cup sa darating na Linggo sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Ito’y matapos mag-withdraw sa nasabing prestihiyosong karera ang kalahok na Union Bell na pag-aari ni Elmer De Leon.

“Horse, Union Bell is now officially withdrawn from competing in the Presidential Gold Cup, Horse, Super Swerte will now be officially included for the 2020 Presidential Gold Cup,” post ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa kanilang facebook page.

May 15 tigasing kabayo ang nagdeklara ng paglahok kasama ang defending champion Super Sonic, 14 lang ang puwedeng sumali kaya nalagay sa reserve list ang Suwerte Suwerte.

Wala pang official lineup, pero bukod sa Super Sonic at Super Suwerte ay tiyak na kasali ang Heneral Kalentong, Boss Emong at Princess Eowyn.

Inaasahang magandang laban ang bakbakan sa Linggo dahil sa paglahok ng Heneral Kalentong.

Winalis ng Heneral Kalentong ang Triple Crown Championship series na hinarurot lahat ng pambato ni Benjamin Abalaos.

Nasabi na rin dati ni Abalos na isasali niya ang kanyang alaga sa PGC.

Nitong nakaraan lamang ay nasilayan sa trial races ang Princess Eowyn at Boss Emong kaya pihadong kasali ang mga ito sa event na tinatarget ng mga horseowners, trainers at jockeys.

Show comments