2-araw na rin sa Santa Ana, karerista ‘di masaya

MANILA, Philippines — Nagpakarera na rin ng dalawang araw ang Philippine Racing Club Inc. (PRCI) pero hindi pa rin kuntento ang mga karerista.

Sabado’t Linggo na rin ang takbo sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite na magsisimula ngayong araw pero malungkot pa rin ang mga karerista habang ang iba ay naiinis dahil Mobile Off-Track Betting, (MOTB) pa rin ang gagamitin para komolekta ng taya ang mga karerista.

Sa huling pakarera ng PRCI ay pumalpak ang kanilang MOTB dahil bukod sa hindi nakikita ng mga mananaya ang odds ng tatayaan ay hindi nabayaran nang araw ding ‘yon ang mga winning tickets.

Kaya naman pinutakte ng masasamang komento ang PRCI sa Facebook.

Agad humingi ng paumanhin ang pamunuan ng PRCI at nangakong aayusin ang mga problema at babayaran ang mga tama ng mga nanalo.

Samantala, makikilatis ang kabayong Rodrigo sa 3-Year-Old & Above Maiden Race laban sa 11 katunggali ngayong araw sa distansyang 1,300 meter sa gabay ni apprentice jockey NC Lunar na maganda ang ipinakitang performance sa huling takbo nito.

 

Show comments