MANILA, Philippines — Inutusan ng Games and Amusements Board, (GAB) ang pamunuan ng Philippine Racing Club Inc. na bayaran ang mga tama ng mga karerista at refund sa kanilang pakarera noong Sabado.
Nagkaroon nang bagong sistema ng tayaan ang PRCI at ipinatupad agad ito noong Sabado sa pakarera nila sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.
Hindi pa pulido ang Mobile Off-Track Betting (MOTB) ng PRCI kaya nahirapan ang mga karerista sa pagrerehistro, ang iba ay tumama pero hindi makuha agad ang napanalunan na pera habang may mga taya na hindi naikasa at kailangan itong ma-refund.
Kaya naman naglabas ng hinaing ang mga karerista sa social media, sinabi ang kanilang sama ng loob at pagkadismaya sa istilo ng pagtaya na ipinatupad ng PRCI.
Sinabihan ng GAB na lutasin agad ang problema ng PRCI sa mga mananaya at tinaningan sila hanggang bukas, (Nov. 6) na ayusin ang kanilang sistema.