Alabang Country Club ipinatigil ang operasyon

MANILA, Philippines — Ipinag-utos ni Muntin-lupa Mayor Jaime Fres-nedi ang paspapasara ng Alabang Country Club (ACC) golf course nitong kamakalawa  dahil sa idinaos na pocket tournament na diumano’y may paglabag sa community quarantine protocols and guidelines ng gobyerno.

“The City Government of Muntinlupa hereby orders you to immediately stop the operations of the golf course upon receipt of this letter, together with the cease and desist order issued by the Business Permits and Licensing Office (BPLO), subject to the conclusion of the investigation being conducted on the matter,” sabi ni Fresnedi  sa kanyang sult kay Alabang Country Club general manager Carla Maramara na may petsang September 28.

Ayon kay Fresnedi, ang order ay base sa im-bestigasyon ng Muntinlupa police at sa direktiba ni Interior Secretary Eduardo Año na ipasuspindi ang operasyon ang Alabang Country Club golf course noong September 25.

Ayon sa ulat, isang grupo ng mga miyembro ng ACC na tinatawag na “Club 515” ay nag-organisa ng “mini tournament,” na nakarating sa grupo ng mga kinatawan ng Games and Amusement Board (GAB), Philippine Sports Commission (PSC) at Department of Health (DOH) na nagbabantay ng mga sporting activities habang may pandemic.

Bumuo ang grupo ng Joint Administrative Order (JAO) na pinapayagan lamang ang mga professional basketball at football teams na makapag-training at makapagdaos ng torneo kung ito ay nasa ‘bubble’. Bawal pa ang mga  “non-professional sporting events gaya ng tournaments, competitive events at athletic meets sa ilalim ng  general community quarantine (GCQ).

Naglabas ng statement si Alabang Country Club chairman Homer Perez sa mga miyembro nito noong September 4 na nagpapaliwanag na walang kinalaman ang board sa naturang torneo.

“We would like to firmly affirm that the ACCI (Alabang Country Club Inc.) board of directors did not and will never approve of any club tournament in violation of IATF health and safety guidelines for golf clubs,” ani Perez. “We also want to put on record that the recent Club 515 mini golf tournament was not a club sponsored event. It was never taken up or approved by the board in any of its meetings.”

Show comments