2 malaking karera ilalarga sa San Lazaro

MANILA, Philippines — Dalawang malaking karera ang ilalarga bukas sa pista ng San Lazaro sa Carmona, Cavite.

Pakakawalan ang 2020 PHILRACOM Road to Triple Crown at Three-Year-Old Maiden races.

Pitong malulupit na kabayo ang mag-aagawan para sa P300,000 na premyo at tiyak na markado ang Noon Bell na rerendahan ni star jockey Jonathan Hernandez.

Ang iba pang kalahok ay ang Radio Gaga, Lucky Savings, Prettiest Star, Under Pressure, Westpointer at Redhead Dancer.

Magtatagisan ng bilis sa 3YO Maiden Race ang Top Czar, Drummer Girl, Bishop Blue, Laguardia, Cartierruo, Cats Magic at Sky Commander.

Nakalaan naman Sa karerang ito ang P720,000 para unang kabayong tatawid sa meta.

Inisponsoran ng Philippine Racing Commission ang dalawang malaking karera.

 

Show comments