Lou Williams 10-days quarantine dahil nagpunta sa club

Lou Williams

MANILA, Philippines — Pinag-quarantine ng NBA si Lou Williams ng LA Clippers ng 10-araw dahil nagpunta ito ng strip club matapos lumabas ng NBA bubble para dumalo sa libing ng aniya’y lolo nito.

Nakita sa Instagram post ni rapper Jack Harlow ang litrato ni Williams na may hawak na drinks at naka-NBA mask sa club ngunit binura niya ito agad at nag-post sa Twitter noong Biyernes  ng: “That was an old pic of me.”

Ayon sa sources ng ESPN, in-interview si Williams ng NBA security at tinanong kung saan siya nagpunta habang wala sa NBA campus at sinabi niyang sumaglit siya sa Magic City strip club sa Atlanta noong Huwebes pagkatapos ng libing ngunit aniya’y wala diumanong perforcers habang nandoon siya. Sinabi rin niyang dumalo siya sa burol ng nagngangalang Paul G. Williams, na ayon sa source ng ESPN  ay ama ng malapit na family friend,  na natapos bandang alas-6:00 noong Huwebes at nagpunta sa Magic City para doon maghapunan.

Dahil sa 10-day quarantine, ang reigning Sixth Man of the Year at ‘di makakalaaro sa unang dalawang seeding games ng Clippers kontra sa LA Lakers sa  July 30 at New Orleans Pelicans sa Aug. 1.

 

Show comments