MANILA, Philippines — Suot ang faceshield, hindi nakitaan ng pangangalawang sa galaw at liksi ang Pinay taekwondo jin na si Pauline Lopez sa kanyang training.
Sa Instagram video na pinost ng 2019 SEA Games gold medalist, naka-hustle mode si Lopez kasabay ng pagpapaulan ng sunud-sunod na sipa habang may nakahilang garter sa kanyang baywang mula sa likuran.
“#Fighting!! Slowly but....” ang maiksing caption ng 2018 Asian Games bronze medalist sa post na may halos 8k likes.
Si Lopez ang isa mga atletang umaasang makasungkit ng slot para sa 2021 Olympics. Una siyang sumabak sa WT Grand Slam Series sa Wuxi, China noong Disyembre at susubukan niya ang kapalaran sa Asian Qualifying Tournament sa Amman, Jordan na wala pa rin petsa kung kailan.