Sa pagpasok sa Walt Disney lock-in para sa pagbabalik ng NBA, naalaala ni San Antonio Spurs coach Greg Popovich ang kanyang freshman year sa US Air Force Academy.
“Two days, anybody can do that,” ani Popovich ukol sa kanilang “in-room Disney quarantine” bago maha-yaang makakilos sa Lake Buena Vista, Florida complex.
Ang medyo mahirap ay ang lock-in sa Walt Disney sa kabuuan ng NBA season resumption, kung saan nakahiwalay sila sa kani-kanilang pamilya.
Mas malayong madali ang PBA bubble dahil kapiling pa rin ng mga players ang kanilang asawa at mga anak.
Ang kanilang limitasyon ay lockdown sa practice venue at bahay lamang.
Bawal ang pasyal, gimik at lakwatsa sa ibang lugar upang mapanatiling virus-free ang PBA bubble.
Malaking problema sa planong PBA play resumption kung may biglang magpositibo sa COVID-19.
Kaya ang panawagan ng mga PBA officials, team management at coaches ay ang disiplina ng bawat isa sa pagsunod sa guidelines at protocol.
Dapat isakripisyo ang extra curricular activities upang makabalik ang PBA at mabalik ang kabuhayan ng lahat ng myembro ng PBA family.
Naghihintay ang buong bayan na sabik na sabik nang muling makapanood ng sporting action.