MANILA, Philippines — Pagba-bike ang isa pinakakaaßbalahan ng ilan sa mga PBA stars ngayon para masiguro at mapanatili ang tamang hugis at porma ng kanilang mga katawan kasama dito sina Magnolia Hotshots point guard Jio Jalalon at Alaska Aces power forward Vic Manuel na enjoy sa pag-eehersiyo at palipas oras na rin.
Ipinakita nina Jalalon at Manuel sa Instagram ang kanilang mga bisikleta matapos ang isang ride.
Ishinare ni Jalalon ang ilan sa mga trails na kanyang dinaan sa Mt. Balagbag sa Rodriguez, Rizal kasama ang magandang overlooking view at may caption ito na: “My 1st longride mahirap pero masaya, tatawagin mo talaga si Lord sa hirap na dinaan ng legs mo.”
Parang nainggit ang isa sa mga teammates ni Jalalon na si Marc Pingris na napa-comment ng “Sarap dyan!” sa post niya kaya niyaya niya itong sumama sa susunod nilang ride.
Isang simpleng pose naman sa kanyang mountain bike ang ibinahagi ng 2019 SEA Games gold medalist na si Manuel.