Antetokounmpo may minor knee sprain

PHOENIX — Nagka­roon si reigning MVP Gian­nis Antetokounmpo ng minor knee sprain aat hindi makikita sa dalawang laro ng Milwaukee Bucks.

Inihayag kahapon ng Bucks na sumailalim si An­tetokounmpo sa MRI at nakita sa evaluation na mayroong minor joint cap­sule sprain ang star for­ward sa kanyang kaliwang tuhod.

Hindi naglaro ang 6-foot-11 superstar sa pag­katalo ng Milwaukee laban sa Suns at muling uupo sa kanilang pagsa­gu­pa sa Denver Nuggets ngayon.

“The way they described it to me is we’ll see how the next few days go and kind of eva­luate him and see where he is then,” sabi ni Bucks coach Mike Budenholzer.

Bumagsak si Anteto­kounmpo sa 103-113 ka­biguan ng Mil­waukee sa Los Ange­les Lakers no­ong Biyernes.

 

Show comments