Embiid pinagmulta ng $25K; Suspended without pay si Monk

NEW YORK – Pinatawan ng NBA si Phila­del­phia 76ers center Joel Embiid ng multang $25,000 (halos P1.2 mil­yon) dalawang araw ma­tapos ang kanyang ‘obscene gesture’ sa court at paggamit ng ‘profane language’ sa isang live te­levision interview.

“The amount reflects his multiple prior violations of acceptable on-court decorum,” pahayag ng NBA kahapon.

Ang nasabing ‘obscene gesture’ ay ginawa ni Embiid sa huling 17 se­gundo ng fourth quarter sa 129-112 panalo ng 76ers laban sa Atlanta Hawks noong Lunes.

Sa pagkaupos ng oras ay mula sa likuran ay ti­napik ni Kevin Huerter ng Atlanta ang bola kay Embiid na gustong ubu­sin ang oras sa pagdi-dribble.

Gumanti si Embiid at binigyan si Huerter ng dirty finger.

Matapos ito ay humi­ngi ng paumanhin si Embiid.

Humataw si Embiid  ng career-high na 49 points sa nasabing laro.

Sa Charlotte, sinus­pinde ng NBA si Hornets guard Malik Monk nang walang bayad matapos lu­mabag sa NBA/NBPA anti-drug program.

Magsisimula ang suspensyon ni Monk sa laro ng Charlotte laban sa New York Knicks.

Nagposte ang third-year reserve mula sa Kentucky University ng mga averages na 10.3 points at 2.9 rebounds sa 21 mi­nutes per game ngayong season para sa Hornets.

Itinaas naman niya ang kanyang average sa 18.2 points per game sa huling pitong laro ng Charlotte.

Show comments