Coach Acot tiwala sa kakayahan ng tropa

MANILA, Philippines — Kumpiyansa si Beau­jing Acot na makakapa­sok ang kanyang Makati Super Crunch sa North division finals ng Chooks-to-Go/MPBL Lakan Season.

Winalis ng Super Crunch ang Bulacan Ku­yas, 2-0, sa kanilang quar­terfinals series para la­banan ang Manila Stars sa semifinals showdown.

“If we are consistent on defense and communi­cate on offense, we’ll be able to put up a good fight,” wika ni Acot, sinalo ang iniwang trabaho ni longtime coach Cholo Villanueva sa Makati.

Nagposte ang Super Crunch ng 20-6 record at papasok na sa playoffs nang magbitiw si Villa­nueva.

Sa quarterfi­nals ay winalis ng Ma­kati ang Bulacan, 94-88 at 86-78.

“What’s good with the team now is management and coaches and players are working together,” dag­dag pa ni Acot.

Show comments