SORSOGON, Philippines — Muling sasalang ang 7Eleven Cliqq-Air21 by Roadbike Philippines at si Mark Galedo sa 2020 LBC Ronda Pilipinas 10th year anniversary na magsisimula ngayong araw sa provincial capitol.
Inamin ni 7Eleven Team ma-nager Ric Rodriguez na kapag may kasabay ang Ronda na kompetisyon sa abroad ay hindi sila nakakasali, sa Ronda pero sa kanilang pagbabalik ay tinitiyak nitong gagawin nila ang lahat upang masikwat ang korona.
“Matagal na kaming sumasali rito sa Ronda pero may mga panahon na hindi kami nakakasali kasi nga continental team tayo minsan may nakakasabay na international tournament,” hayag ni Rodriguez.
Natutuwa naman si Rodriguez sa kanilang pagbabalik sa Ronda dahil natapat sa 10th year anniversary ng nasabing pinakamalaking cycling tournament sa Pilipinas.
“It’s good na sa celebration ng 10th year ay nandito tayo at siyempre everytime we compete ay we always aim for the best.”
Si Galedo ay naghari noong 2012 at makakasama niya sa team sina Marcelo Felipe, Rustom Lim, Mervic Corpuz, Aidan James Mendoza, Nichol Pareja, Jhonrey Buccat at Tomas Mojares.
Nakalaan sa 10-Stage event ang P1-M premyo sa individual classification ng karerang inorganisa at suportado ng LBC at inisponsoran ng Manny V. Pangilinan Sports Foundation kasama ang Versa, 8A Performance, Print2Go, Petron, Green Planet, Bike Xtreme, Standard Insurance, Spyder, CCN, Lightwater, Prolite, Guerciotti, Black Mamba, Boy Kanin, Vitamin Boost, NLEX-SCTEX, Maynilad, 3Q Sports Event Management Inc., LBC Foundation at PhilCycling.
“We will do our best to try to win it,” saad ni Galedo. “I’m feeling good and confident now especially with the team that I have,”
Sisimulan ang 137-km Sorsogon-Sorsogon Stage One ngayong araw at bukas ang 163km Sorsogon-Legazpi Stage Two.