MANILA, Philippines — Nalusutan ng Manila ang huling hirit ng Pasig habang nagtala ang Makati ng come-from-behind win sa Chooks-to-Go/MPBL Lakan Season quarterfinal round sa San Andres Sports Complex nitong Martes.
Matapos ibaba ang 12-point na agwat sa apat na puntos na lamang patungo sa huling 35 segundo ng labanan, umiskor sina Gabby Espinas at Gian Abricos ng Manila Stars ng tigalawang charities para sa 91-88 panalo sa best-of-three series.
Naghahabol ng anim na puntos sa final quarter, nagtala ang Makati Super Crunch ng 14 points, pito mula kay Juneric Baloria tungo sa 94-88 lead.
Hangad ng Stars at Super Crunch na dumiretso sa semis ng North division sa pamamagitan ng kanilang panalo sa February 22 sa Makati Coliseum.
Tumapos si Carlo Lastimosa ng 23 points mula sa 71.4 percent clip sa field para sa Stars, No. 2 matapos ang round-robin eliminations at pinapaboran laban sa No. 7 Pasig Sta. Lucia Realtors.
Nag-ambag si Espinas ng 11 points at apat na rebounds habang sina Abrigo at Jollo Go ay may tig-siyam na puntos para sa Manila.
Nagsumite si Jeric Teng ng game-high 30 points, seven rebounds at five assists, nagdagdag si Josan Nimes ng 19 points habang si Leo Najorda ay may 18 para sa Realtors.
Tangan ngayon ng ng No. 3 seed na Makati No.3 ang momentum laban sa No. 7 Bulacan.
Matapos mag-init si Baloria, sumunod naman sina Joseph Sedurifa at Joshua Torralba sa pagkamada ng 11 sunod na puntos para sa 94-81, 32 segundo na lang natitira.