MANILA, Philippines — Susulitin ng Gilas Pi-lipinas ang dagdag na oras upang makapaghanda sa isa pa nitong kalaban sa unang window ng 2021 FIBA Asia Cup Qualifiers.
Bagama’t nakansela na kasi bunsod ng novel coronavirus ang duwelo nito kontra sa Thailand sa Pebrero 20 sa Smart-Araneta Coliseum, tuloy ang sagupaan ng Gilas kontra sa Indonesia sa Pebrero 23, ayon sa Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP).
Wala pang abiso ang FIBA na kanselado rin ang naturang laban ayon sa SBP kaya’t ‘di nagsasayang ng oras ang Nationals sa araw-araw pa ring training camp.
Kahit pa panibagong hamon ito sa kanila na magprepara kontra sa ibang kalaban, dagdag na araw pa rin ito upang maplantsa ang kanilang execution sa depensa at opensa mula nang simulan ang pagsasanay noong nakaraang Huwebes, ayon kay interim head coach Mark Dickel.
Sa mga nakalipas na araw ay Thailand ang inisip ng Gilas na makakalaban subalit naiba ito sa pagsuspinde ng FIBA sa naturang laro kasama pa na rin ang duwelo ng Japan at China sa Pebrero 21 at China-Malaysia sa Pebrero 24.
Aminado si Dickel at ang Gilas na hindi biro ang magiging pagdayo nila sa Britama Arena sa Jakarta dahil sa homecourt ng Indonesians, na siyang masasandalan sana nila kontra sa Thailand kung natuloy ang unang duwelo.
Dagdag na tinik din ang inaasahang galing ni dating Gilas coach Raj-ko Toroman na siyang mentor na ngayon ng Indonesian national team simula pa noong 2019 SEA Games.
Posibleng available na rin si dating PBA import Lester Prosper para sa Indonesia bilang naturalized player matapos ‘di umabot ang kanyang dokumento sa biennial meet na ginanap sa bansa noong Disyembre.
Umaasa ang bansa na mauulit ng Gilas ang pana-long ito kahit pa pinagsamang amateur at PBA players ang koponan nga-yon sa pangunguna nina Kiefer Ravena, CJ Perez, Troy Rosario, Thirdy Ravena, Isaac Go, Dave Ildefonso, Juan Gomez De Liano at Kobe Paras.
Magpapatuloy pa rin ang ensayo ng Gilas sa Moro Lorenzo Gym sa Katipunan sa tulong din nina program director Tab Baldwin gayundin nina assistant coaches Topex Robinson at Alex Compton.