MANILA, Philippines — Isasabak ng Wushu Federation of the Philippines ang kanilang mga atleta sa anim na bigating international competitions.
Ito ay bilang paghahanda ng WFP sa posibleng pagsama sa wushu sa calendar of events ng darating na 2020 Olympic Games sa Tokyo, Japan sa Hulyo.
Nakatakdang lumahok ang mga antional wushu artists sa mga torneo sa Morocco, Italy, Australia, Japan at India.
Babanderahan ni Agatha Wong, ang double-gold medalist noong 30th Southeast Asian Games, ang kampanya ng tropa sa World Cup sa Tokyo.
Lalahok din si Wong sa 4h World Taijiquan Championships sa Catania, Italy.