Eala nasibak sa 3rd round

MANILA, Philippines — Namaalam sa kontensiyon si Alexandra Eala sa girls’ singles matapos lumasap ng 1-6, 3-6 kabiguan kay Hong Yi Cody Wong ng Hong Kong sa third round ng 2020 Australian Juniors Open kahapon sa Melbourne Park.

Hindi nakaporma ang 14-anyos na Pinay netter sa 17-anyos Hong Kong bet kung saan nagtala ito ng 29 unforced errors sa kabuuan ng laro.

Mababa rin ang percentage ni Eala sa break points (3-for-12), net points (2-for-6) at receiving points (22-for-54) laban sa 6-for-10, 4-for-4 at 25-for-50 ni Hong.

Nananatili namang buhay ang pag-asa ni Eala sa doubles ng naturang Grand Slam event.

Nakatakdang harapin nina Eala at Indonesian partner Priska Madelyn Nugroho sina Aubane Droguet at Selena Janicijevic ng France sa quarterfinals.

Pumasok sa quarterfinals sina Eala at Nugroho matapos payukuin sina Julie Belgraver ng France at Pia Lovric ng Slovenia, 6-2, 4-6, 11-9, noong Martes ng gabi.

Show comments