Jaja nakatulong sa Ageo Medics

MANILA, Philippines — Tinulungan ni Pinay spiker Jaja Santiago ang Saitama Ageo Medics na walisin ang Denso Ai­rybees, 25-22, 25-22, 25-20, sa agawan para sa bronze medal sa Japan V. Premier League.

Humataw si Santiago, nagsilbing import, ng 10 points mula sa 9 attack at 1 kill block para ibangon ang Ageo Medics mula sa straight sets loss sa JT Marvelous sa Final Four.

Naglalaro ang 6-foot-5 na si Santiago para sa Ageo Medics sa ikala­wang sunod na season.

Tumapos ang kopo­nan sa seventh spot no­ong nakaraang taon.

Isinara ng Ageo Me­dics ang regular season sa 13-8 record papasok sa Final 8 ngayong season.

Nakuha naman ng tro­pa ang No. 2 spot sa Group A sa Final 8 Group makaraan ang five-set win laban sa NEC Red Rockets para itakda ang kanilang semifinals duel ng Group B top seed na JT Marvelous.

Show comments