Milo Marathon National Finals
MANILA, Philippines — Muling magtatapat sina Mary Joy Tabal at Christine Hallasgo na babandera sa halos 800 elite runners ng inaabangang Milo Marathon National Finals 42K race ngayon sa Tarlac City.
Bigating rematch ito sa pagitan ng dalawang ma-rathoners matapos ang pambihirang laban noong 30th SEA Games kung saan nasilat ni Hallasgo ang reigning champion na si Tabal.
Wagi ng gold medal sa biennial meet si Hallasgo habang nagkasya lang sa silver medal si Tabal upang maging bagong marathon queen ng Southeast Asia.
Tatangkaing makaganti ni Tabal sa karera na magsisimula sa alas-3 ng madaling araw upang mapalawig sa pitong sunod na taon ang kanyang kampeonato sa pinakamalaki at pinakamahabang footrace sa bansa.
Hangad naman ni Hallasgo na maipagpatuloy ang magandang SEA Games win upang mawakasan ang anim na taong pagrereyna ni Tabal sa Milo Marathon National Finals.
‘Di rin papahuli ang dating SEAG queen na si Cristabel Martes na pumangalawa kay Tabal noong nakaraang taong finals sa Laoag City, Ilocos Norte.
Sa men’s division naman, magpapangbuno ang mga beteranong ex-champion na sina Jeson Agravante, 2018 runner-up Jerald Zabala at Manila leg winner Anthony Nerza.
May temang “One Team. One Nation. Go Philippines!”ang Milo National Finals ay inaasahang lalagpas sa 16,000 runners dahil may iba pang cate-gories na 3K, 5K, 10K at 21K mula sa 10 qualifying legs buong taon.
Katuwang ang Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA), magsisilbi rin ang Milo Marathon National Finals bilang qualfieirs para sa mga international marathon events ngayong taon.
Bahagi ang Milo Marasthon Finals nito sa pagdiriwang ng Kaisa festival na pagkilala sa kasaysayan at kultura ng Tarlac City bilang first-time host ng National Finals.