MANILA, Philippines — Maaaring iwan na ni Enes Kanter ang Oklahoma City ngunit nais ng Boston Celtics big man na mag-iwan ng alaala sa Sooner State.
Plano ni Kanter na magbukas ng charter school na “Enes Kanter School for Exceptional Learning sa Oklahoma City area, ayon sa The Oklahoman.
Makakatulong ni Kanter ang isang grupo ng mga “civic-minded individuals” na pormal na magsusumite ng kanilang application sa school district.
“Despite playing for other teams, I continue to return to Oklahoma City to host my annual basketball summer camps and to support programs that serve the OKC children,” ayon sa sulat ni Kanter sa school district, ayon sa The Oklahoman. “Through my foundation, my philanthropic activities extend to all of the cities where I have played for: Utah, Portland, New York, and Boston.”
Ayon kay Kanter, wala pa siyang napipiling lokasyon kung saan itatayo ang eskuwelahan ngunit sinabi niyang ilalagay niya ito kung saan ito higit na kailangan.
Ang eskuwelahan ay para sa mga “under-served minority and immigrant students,” ayon sa ulat ng Associated Press.