Chris McCullough bilang Gilas naturalized player?

Chris McCullough

MANILA, Philippines — Sa kanyang paggiya sa San Miguel sa korona ng nakaraang 2019 PBA Commissioner’s Cup ay ipi­nahayag ni import Chris McCullough ang kanyang interes na maging miyembro ng Gilas Pilipinas.

Payag ang 6-foot-8 na dating NBA player na ma­ging isang naturalized player para mapasama sa Nationals.

Kahapon sa pamama­gitan ng kanyang Twitter account ay muling nagpa­hayag ng kanyang pagna­nais si McCullough na ma­pabilang sa Gilas Pilpinas na isasabak sa mga darating na international tournaments ngayong ta­on.

“I’m on call,” maik­ling Tweet ng 24-anyos na dating naglaro sa NBA para sa Brooklyn Nets at Washington Wizards at ka­salukuyang kumakampanya sa Korean Basketball League (KBL).

Sa KBL ay nagtala si McCullough ng mga ave­rages na 15.4 points, 5.5 re­bounds at 1.4 blocks para sa Anyang KGC team.

Bukod kay McCul­lough, ikinukunsidera rin ni Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) president Al Panlilio bilang natura­lized player ng Gilas si Ba­­rangay Ginebra resident import Justin Brownlee.

“My objective is to have two to three names as a pool so we’ll have an elbow room,” wika ni Pan­lilio sa paghahanap ng SBP ng kapalit ni Andray Blatche.

 

Show comments