MANILA, Philippines — Hinirang ang Smokin Saturday bilang best sprinter sa Pilipinas matapos dominahin ang 2019 Phi-lippine Racing Commission’s Grand Sprint Championship noong Linggo sa MetroTurf Racing Complex sa Malvar, Batangas.
Nagtala ang anak ng Any Given Saturday at Smokin ng oras na 1:10.4 na may mga quartertimes ng 22, 21 at 26 sa 1,200-meter race mula sa paggiya ni veteran Pat R. Dilema.
Pagbukas pa lamang ng gate ay rumatsada na ang Smokin Saturday para iwanan ang Son Also Rises at Lakan.
“Ang instruction sa akin, diskartehan ko na lang daw dahil matulin naman ang kabayo ko,” wika ni Dilema, tinalo si jockey Jonathan B. Hernandez na sakay ng Son Also Rises. “Hayun, pag-larga bandera kaagad. Hindi ko na binitawan. Mauna manalo eh. Nagpapasalamat ako nakaraos kami ng maayos.”
Nauna nang winalis ni JB Hernandez ang mga labanan sa Juvenile Colts at Fillies Stakes Races sa pamamagitan ng Union Bell at Exponential, ayon sa pagkakasunod.
Inangkin ng Smokin Saturday ni owner Bobby Inigo ang premyong P600,000 mula sa total guaranteed purse na P1 milyon na inilatag ng sponsoring Philracom.
Nakuntento naman ang Son Also Rises sa runner-up prize na P225,000 para kay owner by Benhur Abalos Jr.
Tumersera ang Pinagtipunan ni owner Benhur Abalos III at sinakyan ni jockey Kevin B. Abobo para sa prem-yong P125,000.
Ang iba pang mga nagwagi sa ika-20 staging ng Philtobo Grand Championship ay ang Union Bell sa Race 1 (Philtobo Juvenile Championship) at Nabig-hani sa Race 2 (Pagcor Trophy Race).