MANILA, Philippines — Hinikayat ni Philippine Sports Commission chairman at Chef De Mission William “Butch” Ramirez ang mga Filipino athletes na ibigay ang lahat ng makakaya para makopo ang overall championship ng 30th Southeast Asian Games.
Sinabi ni Ramirez na ang pag-angkin sa overall crown ang magbibigay ng dangal sa sambayanan.
“Go for the golds as if your life depended on them and an entire nation will be grateful,” wikang PSC chief sa mga national athletes na sasabak sa 56 events ng 2019 SEA Games. “Let’s bring good news to everyone. We need it, all Filipinos need it.”
Naglabas ang PSC ng pondong P1 bilyon para sa pagsasanay at paghahanda ng mga national athletes sa ibang bansa bilang preparasyon sa biennial event na nakatakdang magbukas sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.
Hindi lamang sa 2019 SEA Games inaasahan ng sports agency na mapapakitang-gilas ang mga atleta kundi maging sa 2020 Tokyo Olympic Games at sa Hangzhou Asian Games.
“Government has been very supportive of our national athletes. And it’s high time that such support gets the results expected from the athletes’ all-out campaign in the SEA Games,” wika ni Ramirez. “We expect nothing less than a 100 percent effort from our national athletes in front of their fellow Filipinos, who I am very sure, will come out in droves to support them.”
Ang Team Philippines ang may pinakamalaking delegasyon sa 2019 SEA Games sa paglahok ng 1,115 athlete, 753 coaches at officials para sa kabuuang 1,868.
Nakalatag sa regional meet ang kabuuang 530 golds sa 56 sports na nakakalat sa 44 venues sa Metro Manila and Southern Luzon, Subic at New Clark City sa Capas, Tarlac.
Ang mga combat sports ang may pinakamataas na gold-medal projection sa pangunguna ng arnis na inaasahang kukuha ng 15 gold medals mula sa 20 events.
Tig-limang ginto naman ang ipinangako ng mga asosasyon ng judo, kickboxing, jiu-jitsu, sambo at wrestling.
Ito ang ikaapat na pagkakataon na pamamahalaan ng bansa ang SEA Games matapos nong 1981, 1991 a 2005 kung saan inangkin ng mga Pinoy athletes ang overall title sa nahakot na 113 golds, 84 silvers at 94 bronzes.
“Nobody expected us to win in 2005, but we did,” wika ni Ramirez na nagsilbi ring Chef De Mission sa nasabing edisyon. “For nine days that year, Filipinos were united by our athletes’ sporting achievement. We did it once, let’s do it again, for flag and country.”