FCVBA 65-and-above team nabawi ang korona

MANILA, Philippines — Muling napasakamay ng Filipino-Chinese Ve­terans Basketball Asso­ciation (FCVBA) ang ka­nilang 65-and-above crown matapos ilusot ang 54-50 come-from-be­hind win laban sa Hat­yai team ng Thailand sa ASEAN Veterans Bas­ket­ball Tournament sa Chiang Mai, Thailand.

Bumangon ang FCVBA squad mula sa nine-point deficit sa gitna ng fourth quarter sa pamamagitan ng paghuhulog ng 16-3 bomba para ta­lu­nin ang Hatyai.

Sina dating PBA pla­yer Benjie Poblete, guard Andrew Ongteco at seldom-used Antonio Go ang gumabay sa tro­pa para makumpleto ang four-game sweep.

Ang go-ahead basket ni Poblete kasunod ang mintis na triple ng isang Thai player ang sumel­yo sa kanilang panalo.

Nakahinga naman ng maluwag sina FCVBA godfathers Jimi Lim ng Ironcon Builders at Terry Que ng Rain or Shine at coaches Elmer Re­yes at Jerry Gonzales nang makuha ni Bong de­la Cruz ang rebound at ibinato ang bola kay Zo­tico Tan para sa insu­rance basket.

“What a win it was, dumaan kami sa butas ng karayom,” pahayag ni Que.

“That’s resilience, we did not give up,” sa­bi naman ni Lim.

Tumapos ang 6-foot-3 na si Poblete, naglaro ng apat na taon sa PBA, na may 27 points.

Show comments