Orcollo, Aranas sasalang sa ‘do-or-die’ sa 9-Ball Open

MANILA, Philippines — Bigong maipagpatuloy nina dating world champion Dennis Orcollo at James Aranas ang matikas na ratsada matapos lumasap ng kabiguan na naghulog sa ka­nila sa losers’ bracket sa 2019 International 9-Ball Open na ginaganap sa Sheraton Norfolk Waterside Hotel sa Norfolk, Virginia sa Amerika.

Lumasap si Orcollo ng 7-11 kabiguan laban kay Maximillian Lechner ng Austria sa fifth round at natamo ang kanyang unang kabiguan, habang hindi umubra ang tikas ni Aranas nang bumagsak siya kay Alex Kazakis ng Greece sa iskor na 6-11 sa fourth round.

Ibinuhos naman ni Aranas ang ngitngit sa losers’ bracket matapos ilampaso si­na Chang Yu Lung ng Chinese-Taipei, 11-6, at John Morra, 11-10, ng Canada.

Subalit maghaharap sina Orcollo at Aranas sa ‘do-or-die’ game para sa karapatang umusad sa susunod na yugto ng torneong may nakalaang $30,000 sa magkakampeon at $22,000 para sa runner-up.

Show comments