Sarno bumuhat ng dalawang ginto sa Asian Youth

MANILA, Philippines — Maganda ang hinaharap ng weightlifting sa Pilipinas matapos magpasiklab ang natio­nal junior weightlifting team na sumungkit ng dalawang ginto, tatlong pilak at tatlong tansong medalya sa 2019 Asian Youth and Junior Weightlifting Cham­pion­ships na ginaganap sa Pyongyang, North Ko­­rea.

Nangunguna sa lista­han si Vanessa Sarno  na isa sa itinuturing na su­su­nod sa yapak ni 2016 Rio Olympics sil­ver medalist Hidilyn Diaz nang bumuhat ng dalawang ginto at isang pilak na medalya sa wo­men’s youth 71 kg. division.

Nangibabaw si Sar­no sa total makaraang magrehistro ng kabu­u­ang 209 kgs., habang na­­nguna rin siya sa snatch tangan ang 91 kgs.

Sumegunda lamang si Sarno sa clean and jerk mula sa kanyang na­italang 118 kgs.

Nagdagdag naman si Chariz Macawili ng dalawang pilak at isang tanso sa women’s 40 kg. class.

Pumangalawa si Macawili sa total bunsod ng nakuha niyang 116 kgs., habang sumegunda rin siya sa clean and jerk bit­bit ang 66 kgs.

Pumangatlo lamang si Macawili sa snatch nang iangat ang 50 kgs.

Nagdagdag ng tig-isang tanso sina Rosegie Ra­mos at Gizelle Anne Betua saevent na nilahukan ng mahigit 20 bansa sa rehiyon.

Nagkasya sa tanso si Ramos sa snatch nang magtala ng 76 kgs. sa women’s youth 49 kg. class, habang nagsumite si Betua ng 92 kgs. para makuha ang tanso sa clean and jerk sa wo­men’s youth 55 kg. cate­gory.

 

Show comments