Valdez igagalang ang desisyon ng coaching staff

MANILA, Philippines — Nasa kamay na ng coaching staff ng Philippine women’s volleyball national team kung papayagan nilang makasama si Alyssa Valdez sa line-up matapos ang isang linggo nitong pahinga dahil sa right ankle sprain.

Ito ang inilahad ni Valdez sa panayam sa kanya ng mga reporter noong Sabado matapos manood ng laro ng kanyang tropa na Creamline kontra sa Chef’s Classics sa PVL Open Conference.

“If I’m allowed to play, it’s really the call of the coaches also and the management if I’ll be able to be a part and join the team,” wika ni Valdez.

Isang linggo mula ngayon ay sasabak sa 2019 ASEAN Grand Prix ang Pinas at maari na rin siyang maglaro pero magiging unfair daw kung makakasama siya rito nang hindi nakakapag-ensayo kasama ang team.

“Ako, it would be unfair kasi I really had no time to prepare also with the team. We’ll talk about it kasi it’s going to be a long week din naman to recover and prepare for the upcoming games,” dagdag niya.

Noong Biyernes ng gabi ay lumabas ang balitang hindi na makakasama patungong Thailand ang four-time PVL MVP dahil sa tinamo nitong right ankle injury sa training ng kanyang koponan.

Ayon kay Valdez, nata-mo niya ang nasabing injury nang matapakan niya ang paa ng kakamping si Fille Cainglet-Cayetano sa paglanding nito mula sa blocking position.

Nagpunta siya sa orthopedic surgeon na si Dr. Raul Canlas at inaabisuhan siya na magpahinga at mag-physical therapy at huwag nang tumuloy sa Thailand dahil maaring mamaga ang paa niya dahil sa pressure sa eroplano.

“Not advisable raw to go [to Thailand] kasi ‘yung pressure sa plane, baka mag-swell din ang paa. As of now, seven days na no games, no training. Only therapy,” panapos niya.

 

Show comments