Morado excited makasama si Mau

MANILA, Philippines – Excited na si Jia Morado na magkaroon ng tsansa na muling maset-upan ang isa sa mga halimaw na open spiker sa bansa na si Kalei Mau.

Magkakasama ang dalawang manlalaro bilang bahagi ng 16-man roster ng Philippine wo-men’s volleyball national team na sasabak sa 2019 ASEAN Grand Prix sa Thailand ngayong buwan.

Ito ang unang beses na makakasama ni Morado sa isang totoong laro ang 6-foot-2 spiker pero nagkasabay na sila sa isang training at na-set-upan niya na rin ito.

“Masaya kasi sobrang high-caliber player ni Kalei [Mau]. I’ve trained with her few times at naset-upan ko naman siya, parang wow, sobrang lakas niya talaga,” sabi ni Morado. “Doon ko nakukuha ‘yung satisfaction ko, seeing that I can set-up sa players na ganun kalakas. And I’ve heard how vocal and how much of a leader she is inside the court. So, I’m excited to get a chance to play with her.”

Hindi rin banta para kay Morado ang ilan pang setters na nakasama sa line-up ng team.

Bukod sa kanya, kasama rin ang 6-foot-2 setter na si Alohi-Robins-Hardy at Eya Laure na nakalista bilang spiker setter sa line-up ng national team ngayon.

Lilipad patungong Thailand si Morado nga-yong Linggo kasama sina Alyssa Valdez, Maddie Madayag, Eya Laure at Jovelyn Gonzaga para mag-training bukod pa sa nauna nang 10 players doon.  

 

Show comments