1 hinete, 7 kabayo naparusahan

MANILA, Philippines — Naglabas ng summary of suspension ang Philippine Racing Commission, (PHILRACOM), pinatawan ng parusa ang isang jockeys at pitong kabayo na sumalang sa karerahan noong Agosto 9 at 10.

Binigyan ng 12 racing days suspension si apprentice rider RM Adona na sumakay sa Ama­zing Cole sa Race 2 ng karera noong August 9 dahil sa kanyang careless riding.

Isang buwan naman na pahinga ng kabayong Pintados na tumakbo sa Race 5 habang ang Maybe This Time ay 90 racing days na hindi sasalang sa pista.

“Maybe This Time, (Bilateral Epistaxis) must pass one (1) barrier trial and obtain a clearance to run from the Regulation and Licensing Division of the PRCOM (RLD) before it can be allowed to run in a regular race,” nakasaad sa inilabas ng PHILRACOM na statement.

Sa August 10 na karera, na-scratch naman ang Strongmanzap dahil galit at masyadong malikot sa loob ng aparato kaya ayaw siyang sakyan ng kanyang hinete na si MB Pilapil.

Indefinite suspension ang iginawad sa Strongmanzap at kailangan nitong tumakbo ng isang barrier trial bilang parusa na nasa ilalim ng PR65-A.

Ang kaso naman ng Magnum Forty Four at Super Gee ay parehong hindi agad lumabas ng starting gate kaya binig­yan din sila ng suspension.

“They refused to leave the gate within two se­conds, patungkol ng PHILRACOM sa Magnum Forty Four at Super Ge. Suspended indefinitely but not less seven days with one barrier trial,” ayon pa sa statement.

Hindi naman nakapasok ang Haymaker sa aparato sa loob ng dalawang minuto kaya naparusahan ito ng katulad sa Magnum Forty Four at Super Gee.

Samantala, nasangkot sa masaklap na insidente ang Red Lion na nagkaroon ng injury kaya mahaba ang ibinigay na suspension.

Ayon sa PHILRACOM nagkaroon ng bali sa paa ang Red Lion kaya indefinite suspension na aabot sa anim na buwan ang ipinataw.

“Dislocation of the fetlock joint of the near - forelimb, Red Lion is required to undergo an X-Ray test & must submit a certification from PHILRACOM accredited veterinarian that the horse is fit to participate in the race or excercise.” mula sa report ng stewards.

 

Show comments